Posts

Showing posts from September, 2018

Balamban, Cebu: Isang paraiso

Sa maingay na busina ng mga sasakyan, usok mula sa trambotso nito at ang mabagal na takbo ng trapiko, sa panaginip nalang siguro natin mararating ang isang payapa at tahimik na lugar. Tayo na’t magising, isantabi ang mga nakatambak na gawain dahil sa loob lang ng isang oras na biyahe mula sa siyudad ng Cebu, sariwang hangin at magagandang tanawin ng Balamban ang bubungad sa iyo.
                                                                                                                                       BASAHIN >>


Pag-asang Tinabunan

Paulit-ulit na parang isang sirang plaka ang mga nasa kaukulan tungkol sa panghihikayat nila na maging responsable sa pagsasagawa ng pagmimina sa bansa ngunit tila ba ay kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa mga minahang gumuho na dahilan upang mailibing ng buhay ang minero, mga nasisirang pananim at mga ilog, ang pagbabago sa mukha ng ating mga kabundukan at ang mga pagguho ng lupa na hahantong sa pagkawasak ng mga ari-arian at buhay ng mga inosente.





Kapayapaan: Ipagdiwang at Pangalagaan




Mula sa ingay ng nagliliparang plato ng kapitbahay, pagpuputukan sa kabilang baranggay, pambobomoba sa Davao at walang tigil na giyera sa Mindanao, dalangin ng lahat ang kapayapaan at katahimikan. Kaisa rin ng Pilipinas ang iba pang mga bansa sa parehong hiling at panalangin.

             Sa ika-21 ng Setyembre ng bawat taon ipinagdiriwang ng mga kasaping bansa ng United Nations ang International Day of Peace, isang kilos upang itaguyod ang pagkamit ng kapayapaan. Tiyak nitong nilalayon na gumawa ng mga konkretong hakbang ang mga bansa para sa tuluyang pagpapatigil ng giyera at lahat ng uri ng karahasan at kalupitan. Alinsunod ang nasabing pagdiriwang sa 17 Sustainable Development Goals, isang gabay para sa lubusang pagkamit ng kanularang sosyal at pang-ekonomiya. Sa ika-16 na layon o “Peace, Justice and Strong Institutions” ipinapanawagan ang pagtataguyod ng isang mapayapang pamayanan. Binigyang diin nito ang tungkulin at responaibilidad ng bawat estado na umagapay para sa walang pagkiling at madaliang pagkamit ng hustisya at katarungan.

Batas Militar: Sa Mga Numero


Balamban, Cebu: Isang paraiso

Sa maingay na busina ng mga sasakyan, usok mula sa trambotso nito at ang mabagal na takbo ng trapiko, sa panaginip nalang siguro natin mararating ang isang payapa at tahimik na lugar. Tayo na’t magising, isantabi ang mga nakatambak na gawain dahil sa loob lang ng isang oras na biyahe mula sa siyudad ng Cebu, sariwang hangin at magagandang tanawin ng Balamban ang bubungad sa iyo.
 


JVR ISLAND IN THE SKY

            Dalhin ang buong pamilya at sama-samang mag-enjoy sa mga rides at adventure courses na handog ng JVR Island in the Sky, isang mountain resort. Matatagpuan sa Barangay Gaas, Balamban Cebu, para ring ika’y nakapunta sa Baguio sa ganda ng tanawin at lamig ng lugar. Sa entrance fee na Php 50.00 para mga matatanda at Php 25.00 para sa mga bata, siguradong sulit sa bulsa ang iyong pagpunta.  Mayroon ding swimming pool, cable car, zipline at mga cottages ang lugar na maaring rentahan sa murang halaga.

Pag-asang Tinabunan


Paulit-ulit na parang isang sirang plaka ang mga nasa kaukulan tungkol sa panghihikayat nila na maging responsable sa pagsasagawa ng pagmimina sa bansa ngunit tila ba ay kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa mga minahang gumuho na dahilan upang mailibing ng buhay ang minero, mga nasisirang pananim at mga ilog, ang pagbabago sa mukha ng ating mga kabundukan at ang mga pagguho ng lupa na hahantong sa pagkawasak ng mga ari-arian at buhay ng mga inosente.

            BASAHIN >>

Burahin ang Kasaysayan


Napakaraming problema ang hindi pa nabibigyan ng solusyon. Patayan, baha, at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado. Ngunit sa lahat ng mga nangyayari sa bansa, mas tinutukan ng mga senador ang para sa kanila ay napakaimportanteng paksa, ang pag-iiba sa liriko ng ating pambansang awit na “Lupang Hinirang” na sinulat ni José Palma sa taong 1899 na naging salamin na ng ating pagka-Filipino.