Kapayapaan: Ipagdiwang at Pangalagaan
Mula sa ingay ng nagliliparang plato ng
kapitbahay, pagpuputukan sa kabilang baranggay, pambobomoba sa Davao at walang
tigil na giyera sa Mindanao, dalangin ng lahat ang kapayapaan at katahimikan.
Kaisa rin ng Pilipinas ang iba pang mga bansa sa parehong hiling at panalangin.
Sa ika-21 ng Setyembre ng bawat taon
ipinagdiriwang ng mga kasaping bansa ng United Nations ang International Day of
Peace, isang kilos upang itaguyod ang pagkamit ng kapayapaan. Tiyak nitong
nilalayon na gumawa ng mga konkretong hakbang ang mga bansa para sa tuluyang
pagpapatigil ng giyera at lahat ng uri ng karahasan at kalupitan. Alinsunod ang
nasabing pagdiriwang sa 17 Sustainable Development Goals, isang gabay para sa
lubusang pagkamit ng kanularang sosyal at pang-ekonomiya. Sa ika-16 na layon o
“Peace, Justice and Strong Institutions” ipinapanawagan ang pagtataguyod ng
isang mapayapang pamayanan. Binigyang diin nito ang tungkulin at
responaibilidad ng bawat estado na umagapay para sa walang pagkiling at
madaliang pagkamit ng hustisya at katarungan.
Comments
Post a Comment